Lumabas na mula sa Suzuki Philippines ang pinakabagong modelo ng
maxi-scooter – ang 2020 Suzuki Burgman Street 125!
Malawak ang mundo ng mga scooters at underbones, pero mangilan-ngilan lang
talaga ang mga masasabi nating mga leaders sa larangang ito ng mga
motorsiklo. Ngayon, ang Suzuki Philippines ay inaasahang muling mangunguna
sa kategoryang ito sa pamamagitan ng kanilang bagong modelo ng scooter, ang
Suzuki Burgman Street 125. Tough-looking ngunit paniguradong mga
komportableng ride para sa lahat. Panalo!
Upang malaman ang higit pa tungkol sa nabanggit na modelo, read on lang,
mga ka-scooterista.
Ang 2020 Suzuki Burgman Street 125
Dinisenyo upang maging rigid, versatile, at ‘hardcore’, ang 2020 Suzuki
Burgman Street ay may isang malaking selling point sa kabila ng sukat
nito. Salamat sa kanyang advanced technology at premium designed
body, ang mga riders nito ay siguradong mabibigyan ng angkop na safety at
komportableng ride kada sakay.
Ang Burgman Street ay pinapagana ng isang all-aluminium 4-stroke, single
cylinder, 125cc fuel-injected Suzuki Eco Performance engine, dahilan upang
maging powerful at fuel-efficient ito sa 53.50 kilometro kada isang litro
ng gasolina (* batay sa World Motorcycle Test Cycle). Ipinagmamalaki nito
ang isang Combined Brake System na nagbibigay ng superior running
performance at lubusang control para sa rider nito.
May full digital instrument panel na may Digital Clock na nagbibigay ng
real time information, dagdag-convenience sa pang-araw-araw na ride. May
Fuel Gauge na nagpapakita ng accurate fuel status upang maplano mo ng
maayos ang iyong mga biyahe, may Oil Change Indicator na magpapaalala sa
iyo kung kailan dapat mag-change oil, at Dual Trip Meter para madaling
ma-track ang mga natakbong kilometrahe kumpara sa fuel consumption.
Mayroon din itong 2L Lidded Front Glove Box na may optional USB Charger
para makapag-charge ka ng device kahit saan man magpunta.
Ang Burgman Street ay may Integrated Engine Start at Kill Switch para sa
mabilis na one-push starter switch at Kill Switch; at isang One Push
Central Locking para naman sa safety.
Ang Burgman Street, tulad din ng mga high-displacement motorcycles ng
Suzuki, ay dinisenyo upang maging luxurious. Mayroon itong LED Headlight,
Position Lamp at Tail Lamp na nagpapahusay sa visibility ng rider sa gabi.
Ang Body Mounted Windscreen nito na hinango mula sa mga Eurpean
maxi-scooters ay nakakabawas sa wind drag tungo sa mas mainam na
aerodynamics. May upward muffler design upang maging mas sporty at
premium look. Bukod dito, may chrome accents siya para sa isang mas
matikas na hitsura.
Ang Burgman Street ay mayroong 21L Underseat Compartment, sapat na
espasyo para sa mga personal belongings. Mayroon itong Elevated Seat
para sa mga long rides at komportableng Floorboard para sa mas flexible
na foot position. Mayroon din itong Dual Utility Hooks para maisabit ang
mga ekstrang kargada.
Ang Burgman Street ay available sa dalawang eleganteng kulay - ang
Metallic Matte Fibroin Grey at Glass Sparkle Black at mabibili sa
presyong Php 76,900.
Ka-scooterista, anong masasabi mo sa bagong Suzuki Burgman Street
125?
Huwag mag-atubiling i-post ang iyong mga comments sa ibaba.











0 Comments